Tuesday, March 8, 2011

My 10 Top Books of All Time, So Far

At dahil nasimulan ko na rin maglista ng mga kung anu-anong top 10 shit ngayong araw, isusunod ko naman sa top 10 all time music artist ko ang top 10 all time books na nabasa ko. Baligtaran ang pagkakalista ng mga 10 ten na ito sa isang papel na nakita kong nakaipit sa luma kong notebook kahapon habang nagkakalkal ng tambak ng mga libro sa bahay. Medyo badtrip nga ako sa bunso kong anak at siya talaga ang nagkalat nung mga libro at mistulang Duplo na pinagpapatong patong at tinatadyakan ulit. Barumbado ang kumag. Buti nalang, lumabas sa tambak ng libro hindi lang yung notebook with the magic top 10 list kundi pati libro ni Nick Hornby na "A Long Way Down" na may katagalan ko na ring hinahanap at ibabalik ko na sa library para sa clearance ko. Kung hindi ay babayaran ko ito sa halaga nitong mga 650 pesos. Putang ina eh napakamahal nga kaya ko hiniram sa library tapos mawawala buti nalang nga nakita ulit ang shit.
Louis' Top 10 Books of All Time

1. Lord of the Rings Trilogy - J.R.R Tolkien

Una kong nabasa nuong hindi pa ako grumagradweyt sa kolehiyo. O Dapat yata ay gradweyt na ako nung panahon na yun kaso may katagalan lang ako bago nakatapos. Mga 5 na beses ko na itong ulit binasa at mga 10 million times ko ng napanuod yung pelikula. Maganda itong libro na ito dahil limang beses ko ng binasa.


2. Peace is Every Step - Thich Nath Hanh

Hindi ko mapigilang ngumiti kapag binasa ko itong libro na ito ng isang zen teacher (Thich ata ay teacher sa wikang Vietnamese) dahil tinuturo niya ang ngumiti ka palagi kahit parang magmukha ka ng baliw. Payak ang pagkakasulat at madaling intindihin. Lalo na kung paano nga ngumiti sa gitna ng mga iyakang binibigay ng mundo.


3. On the Road - Jack Kerouac

Gusto ko ito kasi feeling ko sobra akong cool nuong mabasa ko ito. Cool kasi si Kerouac at kinanta pa siya ng 10,000 Maniacs na cool din na banda with Natalie Merchant na sobrang hot na cool na singer.


4. Philippine Society and Revolution - Amado Guerrero

Maayos at matalas na nailahad ang kasaysayan ng Pilipinas sa isang makauri at rebolusyonaryong paraan. Kaya nga may revolution ang pamagat ng libro malamang. Palagi ko itong binabalik-balikan kapag nakakalimutan ko ang mga salot sa lipunang Pilipino at kung paano ito gigibain.


5. 100 Years of Solitude - Gabriel Garcia Marquez

Parang may kahabaan ang libro dahil 100 taon nga ang tinahak nito pero magara ang pagkakakwento kahit pa ito ay salin sa ingles mula espanol. Ang ganda siguro lalo kung nakakaintindi ako ng espanol tapos babasahin ito sa kanyang unang wika.


6. High Fidelity - Nick Hornby

All time guy literature for me. Nauna ko talaga itong napanuod sa pelikula ni starring John Cusack pero talagang dapat meron akong kopya nito. Halos marami na rin akong nabasang book ni Hornby pero hindi lahat ay sumapat sa aking panlasa.


7. Walking in the Footsteps of the Buddha - Thich Nath Hanh

Kuwento ni Siddhartha Buddha sa istilo ni Thich Nath Hanh na kalmado, banayad, parang nakainom lang ng Gin Premium. Swabe. Si Sidd ang parang nagpasimnuno ata ng buddhism sa earth.


8. Dharma Bums - Jack Kerouac
Still Life with Woodpecker - Tom Robbins

Medyo tinatamad na akong magpaliwanag kung bakit sila nasa ikawalong puwesto. Pero parehong tangina this ang writers na ito at saka kuwela pero may laman at sustansiya ang mga libro.


9. Of Love and Shadows - Isabel Allende

Magic na progresibo ang mga tauhan na ang setting ay parang sa Pilipinas din kasi sa Latin America ito. Love story na hindi lang sa magkasintahan kundi para na rin sa bayan.


10. Gerilya - Norman Wilwayco

Nakaka-relate ako sa istorya sa ilang parte ng buhay na pinagdaanan ko. Sabi nung sumulat di pa raw siya ganun karunong sumulat nung ginawa niya ito. Tingin ko madami lang siyang shit nung mga panahong sinabi niya ito. Maganda ang libro, tight, cohesive, at gusto ko ito.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails